Si Aira Sebastian ay isang pangkaraniwang estudyante na nangangarap na mapalapit kay Naoki Dela Vega na kilala sa buong school dahil karamihan ng babae ay nagkakagusto dito. Palagi niya itong sinusundan at inaalam ang mga gusto at ayaw nito. Nagiging stalker na siya sa ginagawa niya. Hanggang sa isang gabi ay nagbago Ang lahat. Ang dating sumusunod ay sinusundan na. Ang kanyang pangkaraniwang buhay ay naging miserable na. Dahil sa isang natuklasang bagay na dapat ay isang lihim na lang.